Friday, November 22, 2019

Taghoy ng Punong Kahoy

Kung minsan kahit madami ng nagawa,
Tipong halos panawan ng diwa
Wala paring silbi sa damdaming salat sa pangunawa.
Sa kabila ng mga ibinigay
Tipong naputol na ang mga kamay
Wala paring silbi
Kahit na ibinigay pa ang buong buhay.
Ang lahat ng bahagi ay alay
Upang palaguin ang iyong malay
Paano mo nga ba makikita
Itong paghihirap?
Masiguro ko lang
Na ikaw ay payapa at walang apuhap
Marahil dapat kong tanggapin
Na kahit kabuoan ko pa ay mawasak,
Ang mga tulad mo
Walang pakialam at palasak.
Pagkat di mo alintana
Ang halaga ng ugat ko
Na bumubuhay sa maraming nilalang sa lupa.
Pagkat ikaw ay tao
Makasarili at makamundo,
Matigas ang puso
Daig pa ang bato.